Lunes, Mayo 20, 2013

hindi ko alam kung bakita ako nandito..
hindi ko alam kung ano nararamdaman ko marahil pagod na ko sa mga alon na ginawa ng hangin na nabuo sa gitna ng aking puso.
masaya?  bakit masaya hanggang saan sasaya... sino masaya at kanino nga ba sasaya?



tuwing umaga naiisip ko bakit nga ba ko andito?
simula bata ko masasabi kong ang bigat ng puso ko siguro mali ko ngang dinadala ko lahat ng masasakit na ng yari saking buhay ang sakin namn kasi mgusto ko lang naman na tipong may clue ako sa bawat tao kung ano nga ba ang mkaya nilang gawin.

ako yung taong nakikinig lang ng radyo gusto ko madilim tapos nakakumot saka ko mag babasa o mag plaplano o mag iisip ng mga bagay na gumugulo sakin siguro para masulusyunan or baka maisip ko lang ung sakit hahhah.. sarap ng lasa ng lusa dun ata ko naadik.

wala namn akong sinnnnisisi kahit sino lahat sarili ko lang sinisisi ko simula una. simula sa parke sa umaga hanggang pag saing at pag hihilamos...
gagawa lang ako ng tula mga tulang hindi ko na alam kung asan pero naaalala ko pa din marahil natabuanan lang.

hindi ako galit sa lahat galit ako sa sarili kung bakit nga ba kasi ako nandito. simula nun nag aral nalng akong mag isa, walang nakikita, makikinig lang sa musika kahit sa pag patak ng ulan o pag tiktak ng tala orasan.

lagi kong hinahanap sa libro kung sino ba ko ano ba poblema ko. pero pag labas ko ng bakod na bakal iiwan ko na sa gilid ng simbahan lahat ng agam agam ilalabas ko ang pinaka mabilis kong karipas para makawala sa madamong tangisan.

subalit ang aking pagtangis ay kaguluhan hinding hindi ko kakalimutan ang mga damong dungisan.

pag dating sa mundong makalaam magiging paruparung ng uunahan sa mga pahinang duyan na unti unting hinhipan.

matagal malayo mabaho makulay patungo kung saan na laon lang ang may alam.

maulan ng pangako,

maaraw na pako,

binagyo   ng kabilang dako,

nahhhulog at napaso..

nang nag laon marahil nahapo

nadurog  at napppilas ang puso

bumilis ang lahat na tapos ang simula at sinumulan ang pagkatapos...